Phivolcs

Davao Oriental niyanig ng magnitude 5.8 lindol

159 Views

ISANG lindol na may lakas na magnitude 5.8 ang yumanig sa Davao Oriental ngayong Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol alas-3:19 ng umaga.

Ang epicenter nito ay 32 kilometro sa silangan ng bayan ng Manay at may lalim na 10 kilometro.

Naitala ang Intensity I sa Nabunturan, Davao de Oro; at Malungon, Sarangani.