Vargas

Rep. PM Vargas: The truth will set me free!

Mar Rodriguez Nov 28, 2025
435 Views

Wala akong kinita sa ghost projects nila Discaya–Rep. PM Vargas

ANG katotohanan ang magpapalaya sa akin.”

Ito ang binitiwang salita ni House Deputy Majority Leader at Quezon City 5th District Representative Patrick Michael “PM” D. Vargas matapos boluntaryong pumunta sa tanggapan ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) para linisin ang kanyang pangalan laban sa mga alingasngas ng katiwalian.

Sinabi ni Vargas na nais niyang ituwid ang mga maling perception ng publiko sa kaniya matapos isangkot ng mag-asawang kontraktor na sina Sarah at Curlee Discaya ang kanyang pangalan sa maanomalyang multi-bilyon pisong flood control project.

Sa kaniyang pagharap sa isinasagawang imbestigasyon ng ICI, ipinakita ni Vargas ang mga dokumento upang patunayan na wala siyang kinalaman sa anumang Discaya projects sa District 5, lalo na ang mga di-umano’y ghost project na inilahad ng Discaya couple sa pagsisiyasat ng Senado.

“Nagpapasalamat tayo sa ICI sa pagkakataong maituwid ang mga paninira at maling impormasyon na ipinupukol laban sa atin. Patuloy ang ating tapat na paglilingkod sa ating mga kababayan sa District 5.

Lalabas din ang katotohanan, at ang katotohanang iyan ang magpapalaya sa atin,” sabi ni Vargas.

Naninindigan si Vargas na hindi niya hahayaan na madawit ang kanyang pangalan sa katiwalian.