Laurel

DA inaprubahan accreditation ng 13 Chile firms

Cory Martinez Nov 29, 2025
205 Views

INAPRUBAHAN ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang 3-taong accreditation ng 13 Chilean companies para makapag-angkat ng baka, baboy at manok sa Pilipinas.

Ayon kay Tiu Laurel, layunin ng inisyatiba na padamihin pa ang food sources ng bansa sa gitna ng bottlenecks at mga sakit sa livestock.

Sa pamamagitan ng accreditation hanggang 2028, papayagan ang mga kumpanya hindi lamang para mag-angkat ng meat kungdi pati laman-loob, animal fats, at iba pang by-products.

Inaprubahan ni Tiu Laurel ang accreditation kasunod ng hiling ng pamahalaan ng Chile ng nagkaroon ng inspection mission ang DA sa Chile noong Hunyo.

Nagsagawa ng pagsusuri ang team sa veterinary services ng Chile, ang kanilang health system at mga food safety control nila bilang bahagi ng accreditation process sa mga banyagang meat establishment.

Fully-compliant ang Chile sa mga panuntunan ng World Organization for Animal Health t pumasa din ang 13 kumpanya sa quarantine at meat inspection requirement ng Pilipinas.

“As much as we strive to produce more food locally, we also need to ensure steady and reliable sources overseas.

Recent natural calamities and recurring animal diseases remind us of the importance of securing alternative food supply channels to protect consumers and stabilize prices, “ dagdag ni Tiu Laurel.

Mapapalawak ng bagong accreditation ang network ng Pilipinas sa mga global meat suppliers at maidagdag ito sa mga traditional sources tulad ng Amerika, Canada, Brazil, at Spain.

Sinusuportahan din nito ang mas malawak ng estratehiya ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na palakasin ang food security sa pamamagitan ng pagtatag ng supply resilience at maiwasan ang disruption sa domestic market.