Oducado

Panukalang batas para sa napakamurang singil sa internet isinusulong

Mar Rodriguez Dec 2, 2025
413 Views

๐—•๐—จ๐—ก๐—ฆ๐—ข๐—— nang pagiging in demand at bahagi na ng basic necessity ng mamamayang Pilipino ang internet connection sa ating bansa๏ผŒ isinulong ni 1-TAHANAN Party List Representative Nathaniel “Atty. Nat” M. Oducado ang panukalang batas para maging abot-kaya ang paggamit ng internet.

Isa si Oducado sa principal author ng House Bill No. 22 na inihain sa Kamara de Representantes upang maging abot-kaya ang singil sa internet connection para ito ay maging “accessible” sa lahat ng mamamayan maging mahirap man o mayaman ang gumagamit nito.

Ipinaliwanag ni Oducado na sa kasalukuyang panahon, napakahalagang papel ang ginagampanan ng modern techonology kabilang na dito ang internet para isulong ang social development at pagsuporta naman pag-unlad ng ekonomiya ng bansa dahil mas nagiging madali ang pag-access sa anomang transaksiyon.

Dahil dito, sinabi ng kongresista na hindi maikakaila na ang internet service ay katuwang na ng pamahalaan sa iba’t-ibang transaksiyon nito kagaya ng pagkuha ng mga mahahalagang dokumento at iba pang proseso na bahagi ng pag-unlad ng bansa dulot ng modernisasyon.

Dagdag pa ni Oducado na napakahalaga din ang internet sa paghahatid ng serbisyo sa mamamayan partikular na sa mga malalayo at liblib na lugar sa Pilipinas kung saan mahina at mabagal ang komunikasyon.

Gayunman, aminado si Oducado na ang nagsisilbing hadlang at problema sa pag-access ng publikk sa internet connection ay ang mahal na singil dito ng mga service providers.

Ayon kay Oducado, isinusulong nito na ma-establisa ang isang policy at regulations upang maibaba sa zero ang spectrum user fee (SUF) na binabayaran ng mga telecommunication entities sa national government.