BBM

Iba pang opisyal ng DOTr itinalaga ni PBBM

304 Views

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang iba pang opisyal sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr).

Pinangunahan ni Transportation Secretary Jaime J. Bautista ang panunumpa sa tungkulin nina Jeremy S. Regino bilang acting General Manager ng Philippine National Railways (PNR).

Si Henry L. Uri ay nanumpa naman bilang acting Member ng PNR Board of Directors.

Si Regino ay dating Administrator ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa ilalim ng Duterte administration samantalang si Uri ay isang dating broadcaster at miyembro ng Board of Directors ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA).

Samantala si Atty. Hernando T. Cabrera ay itinalaga bilang bagong administrator ng LRTA. Siya ay dating spokesperson at Corporate Board Secretary ng kaparehong ahensya.