Suspek

NE drug suspek laglag sa P1.8M shabu

Bernard Galang Dec 20, 2025
297 Views

CAMP OLIVAS, Pampanga–Inaresto ng mga miyembro ng Police Regional Office 3 (PRO3-) ang isang drug suspek na may dalang mahigit P1.8 milyong halaga ng shabu sa Brgy. Calipahan, Talavera, Nueva Ecija noong Sabado.

Isinagawa ng mga operatiba ng Special Drug Enforcement Team ng Talavera police at Police Intelligence Unit at Provincial Police Drug Enforcement Unit (PPDEU) ng Nueva Ecija ang operasyon na ikinadakip ng suspek.

Sa ulat na isinumite kay PRO-3 director Brig. Gen. Ponce Peñones Jr., naaktuhan ang suspek habang nagbebenta ng hinihinalang shabu sa pulis na nagpanggap na buyer.

Narekober ng mga awtoridad ang humigit-kumulang 270 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1,836,000 at marked money na ginamit sa operasyon.

Nasa kustodiya ng Talavera police ang suspek at sinabi ni BGen. Peñones Jr. na binibigyang-diin ng pagkakaarestong ito ang pagtutok ng rehiyon sa pagtugis sa mga drug personalities.