Calendar
Suspek sa robbery, drugs tiklo sa Bulacan, Olongapo
CAMP OLIVAS, Pampanga–Iniulat ng Police Regional Office (PRO)-3 na siyam na drug at robbery suspek ang nahuli sa pag-iingat ng mahigit P2.5 milyon na shabu.
Isa sa mga nahuli noong Dec. 20 ang drug suspek sa Brgy. Calipahan, Talavera, Nueva Ecija na may dalang 270 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P1,836,000.
Sa Bulacan, inaresto ng mga pulis ang anim na suspek sa robbery hold-up sa gasoline station sa Calumpit sa pangunguna ni Lt. Col. Leopoldo L. Estorque Jr., ayon kay P/BGen. Rogelio Peñones, hepe ng PRO-3.
Narekober ng mga pulis ang isang cal .45 na baril, bala, cash, cellphone at motorsiklong ginamit sa krimen.
Sa Olongapo City, dalawang drug suspek ang nasakote sa Brgy. New Asinan noong Dec. 20 at nakuhanan ng 105 grams ng suspected shabu na may value na P714,000.

