Cavite

‘Strike TV’ simula na sa Bacoor

Dennis Abrina Dec 21, 2025
248 Views

INILUNSAD ng Bacoor City noong Disyembre 19 ang “Strike TV,” ang kauna-unahang opisyal na television at digital media platform ng lungsod.

Layunin ng “Strike TV” na palakasin ang ugnayan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng mga mamamayan sa pamamagitan ng malinaw at tapat na komunikasyon.

Binigyang-diin ng Bacoor City ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang platapormang direktang maghahatid ng impormasyon sa bawat Bacooreño.

Ang “Strike TV” ay magsisilbing tulay upang mas mapalapit ang pamahalaan sa mamamayan at mas mapalakas ang tiwala ng publiko sa mga programa ng lungsod.

Ang Strike TV ay inaasahang magsisilbing sentro ng impormasyon hinggil sa mga programa, proyekto, ordinansa at serbisyong panlungsod.

Kabilang sa mga tampok ng “Strike TV” ang mga balitang panlungsod, panayam sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan, public service announcements, talakayan ukol sa mga isyung pangkomunidad at coverage ng mga aktibidad at kaganapan sa lungsod.

Layunin din nitong maging isang bukas na espasyo para sa dayalogo, kung saan maaaring maiparating ng mamamayan ang kanilang mga saloobin at mungkahi.

Ang Strike TV ay patunay ng patuloy na inobasyon ng Bacoor sa larangan ng komunikasyon at serbisyo publiko.