CIDG agents tiniklo gunrunning suspek

Bernard Galang Dec 21, 2025
337 Views

CAMP OLIVAS, Pampanga–Naaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group-Regional Field Unit 3 (CIDG-RFU3) ang isang nagbebenta ng baril na walang lisensya sa Bataan kamakailan.

Ayon kay CIDG RFU3 chief Col. Grant Gollod, naaresto ang suspek na si alyas Reyes, 23, sa aktong nagbebenta ng loose firearm at mga bala.

Nakumpiska mula sa suspek ang buy-bust at boodle money, cal .38 revolver at limang live ammunition.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Sa isa pang operasyon, inaresto ng mga operatiba ng CIDG ang isang wanted dahil sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property sa San Sebastian Heights, Brgy. San Vicente, Tarlac City.

Kinilala ang suspek na si alyas Tuv, 32.