Calendar
Kinilala ni NIR Director PBGen.Arnold Thomas Ibay ang mga suspek na ilegal na droga na natimbog ng mga operatiba ng Negros Occidental police. JONJON C. REYES
2 naaksidente, umiwas sa tulong dahil may P.5M shabu, arestabo
BUKAYO at tiklo ang dalawang lalaki na may dalang mahigit P500,000 na shabu ng umiwas matulungan matapos maaksidente sakay ng Toyota Wigo sa Brgy. San Teodoro, Binalbagan, Negros Occidental noong Miyerkules.
Nakilala ang mga suspek na sina alyas Anthony, 35; at Philip, 26, na nahuli matapos sumalpok ang Toyota Wigo (FAQ 1806) na minamaneho ni alyas Anthony sa puno ng mangga bandang alas-12:50 ng tanghali, ayon kay Negros Island Region police chief BGen. Arnold Thomas Ibay.
Nagtungo sina PSSg Ramie June Morales at PSSg Janrey Villacarlos sa pinangyarihang lugar ng insidente.
Subalit pagdating ng 2 police responders nararamdaman ng mga suspek ang kanilang presensya kaya kinuha ni Anthony ang black backpack at sumakay ng tricycle ngunit nahuli sa Crossing Bag-o, Brgy. San Negro Jose, Binalbagan.
Naisip ni P/Cpl. Michael Adrian Casuyon, duty traffic investigator, kung bakit ang dalawang suspek ay umiwas matulungan.
Ito ang nagtulak sa kanya na tingnan ang itim na backpack at doon nakuha ang humigit-kumulang 80 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P544,000.
Inihahanda ang mga kaukulang dokumento para sa pagsasampa ng kaso laban sa dalawang pinaniniwalaang tulak.

