MJ

Boga, marijuana nasamsam sa tulak sa NE

Bernard Galang Dec 28, 2025
179 Views

CAMP OLIVAS, San Fernando, Pampanga–Inaresto ng mga pulis ang isang pinaniniwalaang tulak at nasamsam ang mahigit P1.03 milyon na halaga ng marijuana at hindi lisensyadong baril sa Brgy. Catalanacan Science City of Muñoz, Nueva Ecija noong Disyembre 27.

Naaresto ang suspek nang makatanggap ang mga awtoridad ng tawag na may nananakot na lalaking may dalang baril.

Pagdating sa lugar ng mga pulis, tinangka ng suspek na tumakas pero naaresto ng mga rumespondeng pulis.

Sa isinagawang paghahalughog, narekober ang isang 9mm caliber pistol at limang bala. Nabigo ang suspek na magpakita ng lisensya o awtoridad upang magmay-ari ng baril na paglabag sa RA 10591.

Narekober din sa suspek ang mga high-grade marijuana, dahon ng marijuana, marijuana-infused na sigarilyo, vape cartridges at iba pang anyo ng marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P1,038,000.