Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Alfamart pinasok; cash, cellphones limas

Bernard Galang Dec 28, 2025
449 Views

GUIGUINTO, Bulacan–Tatlong hindi pa nakikilalang lalaki ang nangholdap sa outlet ng Alfamart sa Brgy. Malis sa bayang ito dito noong Biyernes at tinangay ang hindi pa alam na halaga ng pera at dalawang cellular phone.

Sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr., inaalalayan ng biktima ang isang kostumer sa counter na sakay ng dalawang motorsiklo.

Iniulat ang insidente ng biktima na si Sweetheart Juslyn Tresvalles, 23, shift leader.

Makalipas ang ilang sandali, pumasok ang tatlong suspek sa establisimyento nang hindi inaalis ang kanilang mga helmet.

Isa sa mga suspek ang nanatili sa gitna ng tindahan habang ang isa naman ay dumiretso sa counter.

Nang hilingin ng biktima sa huli na alisin ang kanyang helmet, sa halip ay sinabi nitong armado siya at nagdeklara ng holdap.

Sapilitang dinala ang biktima sa stock room at inutusan na buksan ang vault ng tindahan at kinuha ng mga suspek ang hindi pa matukoy na cash sales.

Tinangay din ng mga suspek ang dalawang cellular phone ng biktima bago tumakas sakay ng dalawang motorsiklo.