Calendar
Kinilala ni NIR director PBGen. Arnold Thomas Ibay ang suspek sa panloloob ng tahanan ng isang OFW sa Brgy. Alijis Bacolod City.
Provincial
Nagnakaw ng cash, nahuli
Jon-jon Reyes
Dec 28, 2025
390
Views
TIMBOG sa mga operatiba ng police station 7 ng Bacolod City ang isang lalaki na suspek sa panloloob sa Block 10, Lot 25 at 26, DC3, RPHS, Brgy. Alijis, Bacolod City noong Sabado.
Nakilala ang suspek na si alyas Nonoy, 34, ayon sa report na nakarating kay Negros Island Region police director Brig. General Arnold Thomas Ibay.
Nahuli ang lalaki ng magsumbong ang biktima na si John Michael Carmona y Retita, 38, sa panloloob sa kanyang tahanan.
Sa follow up operation, naaresto ang suspek at ang 1 pouch na naglalaman ng sari-saring pick lock tool, 1 pouch na naglalaman ng mga susi; 1 violet sweatshirt; 1 pulang backpack; at P3,000.
Nakuha pa sa suspek ang 1 13-inch na patalim, 1 sachet ng hinihinalang shabu Isang at 1 cal .38 revolver na may 2 bala.
P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte
Nov 3, 2026
6,000 kriminal lagas sa CALABARZON
Nov 3, 2026
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

