Calendar
KELOT DI PINAABOT NG BUHAY SA BAGONG TAON
ISANG lalaking dumudugo ang katawan ang nakitang nakahandusay sa bangketa sa kahabaan ng Block 18, Southville, Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal, hapon ng Linggo, ayon sa report.
Ang biktima ay kinilalang si alyas “Marlon” na 49 taong gulang, may live-in partner at residente ng Southville 8, Brgy. San Isidro, Rodriguez, ayon sa pulisya ng Rodriguez.
Ang lalaki na may mga tama ng bala sa katawan ay kaagad na ini-report sa mga maykapangyarihan.
Sa tulong ng Municipal Emergency Team, kaagad isinugod ang biktima sa Ynares Hospital pero siya ay idineklarang patay na ng sumuring manggagamot pagdating doon, bandang alas-3:30 ng hapon.
Nagsagawa ang lokal na kapulisan ng follow-up investigation para sa posibleng pagkakakilanlan ng mga suspek.
Sinuri rin ng mga imbestigador ang mga kuha ng CCTV malapit sa lugar ng pinangyarihan.
Kumalap din ng mga impormasyon mula sa mga kamag-anak ng biktima para sa posibleng motibo sa insidenteng ito.

