Calapan

Mayor Leachon nagpasalamat sa mga Calapenos

Helen D. Prado Jan 6, 2026
297 Views

CALAPAN City–Nagpasalamat ang alkalde ng syudad na ito na si Doy Leachon sa mga Calapeno sa patuloy na pagsuporta sa mga kanyang mga adhikain.

“Ngayong 2026 ang handog ko ay ang pagpapatuloy ng mga proyekto at programang laan para sa inyo,” sabi ni Mayor Leachon.

Ayon sa kanya, mula sa edukasyon, kalusugan, kalinisan, kaayusan, kaunlaran, turismo, imprastraktura at sektoral na paglago, lahat ng mga ito ay alay niya para sa mga Calapeno at para sa maayos na bayan.