Calendar
Traslacion pinostehan ng mga parak-Batangas
NAGPAKALAT ng 296 na pulis upang makatulong sa pagpapahusay ng seguridad sa Pista ng Itim na Nazareno sa Maynila ang Batangas police noong Enero 8-9.
Ang mga tauhang ipinakalat mula sa mga istasyon ng pulisya sa lalawigan at binubuo ng 250 pulis, 8 piloto ng drone, 36 na drayber at 2 administrative support staff.
Naghanda rin ang Batangas Police Provincial Office ng 35 tauhan ng Reactionary Standby Support Force (RSSF) para sa Traslacion ’26.
Ang pagpapakalat na ito ay naglalayong tiyakin ang kaligtasan, seguridad, at kaayusan ng pagdiriwang, gayundin ang kapakanan ng mga deboto
at iba pang kalahok.
“Ang Pista ng Itim na Nazareno ay isang relihiyoso at kultural na kaganapan na may malaking kahalagahan sa Pilipinas, lalo na sa Quiapo, Maynila,” sabi ni P/Col. Geovanny Sibalo, hepe ng Batangas police.

