Calendar
Doktor Para sa Bayan lalawak ang implementasyon
KUMPIYANSA si Senador Joel Villanueva na lalawak ang implementasyon ng Doktor Para Sa Bayan law matapos itong pagkalooban ng P1.095 bilyon sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act, ang pinakamalaking pondo na natanggap ng programa mula nang maisabatas ito noong 2021.
“We’re very grateful to President Bongbong Marcos for supporting our Doktor Para Sa Bayan law by ensuring there is sufficient funding to support the program,” pahayag ni Villanueva. Ayon pa sa senador, ang alokasyon para sa 2026 ang pinakamataas na isang-taong pondo na naitala para sa programa.
“Under the 2026 national budget, the Doktor Para Sa Bayan law received its single highest appropriation since being enacted into law in 2021,” ani Villanueva. “In fact, the 2026 budget of the Doktor Para Sa Bayan law matched the total appropriations for the program in the past five years.”
Mula 2021 hanggang 2025, umabot sa P1.075 bilyon ang kabuuang pondo ng programa na ginamit ng Commission on Higher Education sa pagpapatupad ng Medical Scholarship and Return Service Program at sa pagtatatag ng mga medical school sa mga state universities and colleges sa buong bansa, ayon kay Villanueva.
Nanawagan ang senador sa pamunuan ng Commission on Higher Education na pabilisin ang pagtatayo ng mas maraming medical school sa mga pampublikong pamantasan upang mahikayat ang mas maraming estudyante, lalo na sa mga rehiyon, na pumasok sa larangan ng medisina.
“We are prepared to extend any assistance that the CHED may need. We look forward to receiving periodic updates from the commission regarding the implementation of the program this year especially in light of the huge funding,” sinabi ni Villanueva. “We want to ensure that the CHED will make good on their commitments so that the funds are spent appropriately and the goals of the program are achieved.”
Layunin ng Doktor Para Sa Bayan law na magkaroon ng kahit isang pampublikong paaralan sa bawat rehiyon na nag-aalok ng kursong medisina kung saan maaaring mag-aral ang mga iskolar.
Matapos makapasa sa licensure examinations, inaasahang magsasagawa ang mga iskolar ng return service sa loob ng public health system katumbas ng bilang ng taong tinamasa nila ang scholarship.
Nilalayon ng batas na madagdagan ang bilang ng mga doktor sa bansa sa pamamagitan ng libreng matrikula, libro, living allowance, at iba pang benepisyo, kapalit ng obligasyong maglingkod sa mga pampublikong pasilidad pangkalusugan nang hindi bababa sa isang taon para sa bawat taon ng scholarship na natanggap.

