Fajardo1 Atty. Ade Fajardo

Romualdez itinanggi link sa mga Discaya, Curlee sumumpa na walang transaksyon sa ex-Speaker

191 Views

MARIING itinanggi ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nitong Miyerkules ang mga ulat na nag-uugnay sa kanya sa umano’y pagbili ng ari-arian gamit ang pamilya Discaya bilang “front,” na binigyang-diin ng kanyang abogado na wala siyang kaalaman o kinalaman sa naturang transaksyon at tinawag ang paratang na walang basehan.

“With reference to recent news reports linking former Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez to the Discayas through an alleged property purchase, Rep. Romualdez has no knowledge nor involvement in the purported transaction,” sinabi ni Atty. Ade Fajardo, abogado at spokesperson ni Romualdez.

“Rep. Romualdez has not met the Discayas and has only heard of them based on what is being said in media reports. As such, the claim in the report about using the Discayas as a front in a property purchase is outright baseless,” ani Fajardo.

Ang pagtanggi ay ginawa bago ang pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa Enero 19, na ayon kay Fajardo ay mahalagang mailagay sa rekord ang mga naunang pahayag na ginawa “clearly and unequivocally” sa ilalim ng panunumpa.

Tinukoy niya ang sinumpaang testimonya na ibinigay sa House of Representatives noong Setyembre 2025 ng negosyanteng si Curlee Discaya, na mariing itinanggi ang anumang pakikipagtransaksyon kay Romualdez.

“Gusto ko lang pong linawin na wala po akong direktang transaksyon. Hindi po ako nagkaroon ng anumang klaseng transaksyon kay Speaker Martin Romualdez,” pahayag ni Discaya sa kanyang testimonya.

Dagdag ni Fajardo, ipinaliwanag pa ni Discaya sa ilalim ng panunumpa na ang pangalan ng Speaker ay ginamit lamang o “name-dropped” ng iba — nang walang personal na kaalaman, pagkikita o transaksyon sa kanyang panig.

“This sworn testimony is part of the official congressional record and directly contradicts the insinuations now being revived in public discourse,” ani Fajardo. “Allegations cannot override testimony given under oath. Facts cannot be replaced by speculation.”

Binanggit din niya ang naunang pahayag ni Senador Panfilo “Ping” Lacson sa isang media briefing upang bigyang-diin ang kahalagahan ng ebidensiya.

“Noise does not convict. Neither does it indict even who may be perceived as the most guilty in the… flood control project saga. Only evidence does,” ayon sa sipi kay Lacson.

Sinabi ni Fajardo na iginagalang ni Romualdez ang mga institusyonal na proseso at nananatiling kumpiyansa na ang isang imbestigasyong patas at base sa ebidensiya ay maglilinis ng kanyang pangalan.

“Rep. Martin Romualdez respects institutional processes and is confident that any fair and evidence-based inquiry will ultimately prove him right,” sinabi ni Fajardo.