Pampanga shooting 2 utas

Bernard Galang Jan 25, 2026
161 Views

CAMP CAPT. JULIAN OLIVAS, San Fernando, Pampanga–Dalawa ang namatay dahil sa pamamaril sa Mabalacat at San Fernando City ng lalawigang ito noong Linggo, ayon sa mga awtoridad.

Sinabi ni Pampanga Police Director Col. Eugene Marcelo na namatay ang unang biktima ng pamamaril na si Xyrus John Sotto.

Natagpuan ng mga miyembro ng Mabalacat police ang biktima na wala nang buhay at nakahandusay sa kalsada na may mga tama ng bala sa katawan.

Dalawang basyo ng bala ng 9mm na baril ang narekober mula sa pinangyarihan ng krimen. Hindi nakilala ang dalawang suspek sa pamamaslang.

Patay din si Angelo Hipolito, 25, sa isa pang insidente ng pamamaril sa Brgy. Calulut, San Fernando City.

May buy and sell ng mga sasakyan ang biktima na nakatayo sa harap ng isang bahay nang biglang paputukan ng tumakas at nag-iisang suspek ng malapitan na tumama sa kanyang ulo.

Tumakas mula sa lugar ng insidente ang suspek, ayon sa mga pulis.