Mga suspek sa krimen laglag sa parak

Bernard Galang Jan 26, 2026
192 Views

INARESTO ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit 3 (CIDG RFU3) ang suspek sa rape at pagtutulak ng droga sa Central Luzon kamakailan.

Sa Tarlac City, inaresto ng CIDG Tarlac Provincial Field Unit (PFU si alyas Oca, 42, para sa kasong rape.

Inaresto rin ng mga operatiba ng CIDG si alyas Guer, 38, dahil sa mga paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o RA 9165.