Cavite

Kelot chinop-chop sa 2, nilagay sa 2 sako sa Cavite

Gil Aman Jan 27, 2026
214 Views

NADISKUBRE ang bangkay ng isang hindi pa kilalang lalaki na hinati ang katawan saka isinilid sa dalawang sako ng farm animal feed sa Sitio Ilaya, Karagdagang Silangan, Barangay Kaong, Silang, Cavite, noong Lunes.

Nanatiling hindi pa kilala ang bangkay na tinatayang edad 40 hanggang 55 taong gulang, na nakasuot ng maroon shorts at topless.

Isang concerned na motorista ang unang nakakita sa bangkay ng lalaki na nakalabas ang dalawang paa mula sa pinagmulan na sako.

Kasunod din natagpuan ang isa pang sako na nakasilid ang kalahati ng katawan nang madiskubre dakong alas-7 ng umaga.

Agad namang ipinagbigay-alam sa pulisya ang pangyayari ng chief ng barangay tanod.

Ang naturang bangkay na itinapon sa lugar ay isasailalim sa autopsy examination at flash alarm sa lahat ng police station upang makilala.