Gabaldon Si Vice Mayor Victorino Sabino ng Gabaldon habang nagpapaliwanag ukol sa kanyang kahilingan sa harap ng mga miyembro ng VMLP-Nueva Ecija habang katabi sina VMLP-NE president Vice Mayor Arvin Salonga (dulong kanan) at Vice Mayor Nestor Alvarez (gitna).

VMs group aprubado na hiling na itaas presyo ng sibuyas, palay

Steve A. Gosuico Jan 29, 2026
168 Views

SANTO DOMINGO, Nueva Ecija–Inaprubahan ng Vice Mayors League of the Philippines-Nueva Ecija chapter ang isang resolusyon na humihiling sa Kagawaran ng Agrikultura na iprayoridad ang hiling na itaas ang farmgate prices ng palay at sibuyas.

Tinalakay ng VMLP-NE chapter sa pangunguna ni San Antonio Vice Mayor Arvin Salonga, pangulo ng liga, ang resolusyon sa ginanap na pagpupulong noong Miyerkules.

Ang nasabing resolusyon ay itinaguyod ni Gabaldon Vice Mayor Victorino “Vicoy” Sabino at sinegundahan ni Bongabon Vice Mayor Christian Binuya.

Ipinunto ni Binuya ang kanilang pananaw na pumapabor sa kahilingan.

“Nangangamba muli ang ating mga magsasaka na baka maulit muli ang pagbaba ng presyo ng mga produktong may kinalaman sa agrikultura,” sabi ni Sabino sa resolusyon ng grupo kay Agriculture Secretary Francisco “Kiko” Tiu Laurel Jr.