2 suspek sa krimen nasukol sa Maynila
Oct 11, 2026
61 pugante huli sa Calabarzon
Oct 11, 2026
Puregold-Sta. Cruz may bomba raw; walang sumabog
Oct 11, 2026
Calendar
Provincial
Makeup artist inutas, ninakawan; suspek laglag sa parak
Jojo Cesar Magsombol
Feb 1, 2026
408
Views
TIKLO sa mga pulis ang lalaking suspek sa pagpatay, pagnanakaw at carnapping noong Sabado sa Brgy. Ibabang Tayuman, San Francisco, Quezon.
Ang suspek, si alyas Roy, 22, biniktima ang 34-anyos na lalaking makeup artist na taga-Brgy. Olo-olo, Lobo, Batangas noong Enero 26.
Natagpuan ang bangkay ng biktima sa baybayin ng Purok 7, Brgy. Fabrica, Lobo, Batangas na may mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Natagpuan din malapit sa biktima ang isang malaking bato na may mantsa ng dugo na pinaghihinalaang pinalo sa ulo ng biktima.
Nahuli ang suspek mula sa ulat na nakita ang nawawalang motorsiklo ng biktima sa San Francisco, Quezon.
Nagtungo at nakipag-ugnayan ang mga tauhan ng Lobo police sa San Francisco police kaya naaresto ang suspek sa Marco Beach Resort sa Brgy. Ibabang Tayuman, San Francisco, Quezon.
Positibong nakilala ang suspek sa pamamagitan ng CCTV footage na nakuha sa Lobo, Batangas.
61 pugante huli sa Calabarzon
Oct 11, 2026
Puregold-Sta. Cruz may bomba raw; walang sumabog
Oct 11, 2026
61 Pugante, Huli sa CALABARZON
Oct 11, 2026
Mag-jowa tiklo sa Batangas; P1M shabu, boga kubra
Oct 10, 2026
Boto ng mga katutubo, itinulak ng COMELEC sa Palawan
Oct 10, 2026

