Rape1 Ang suspek nang arestuhin ng mga operatiba ng Warrant Subpoena Section MPD Binondo Police Station 11. JONJON C. REYES

Suspek sa 2 bilang ng gahasa, dinampot ng pulisya

Jon-jon Reyes Feb 4, 2026
153 Views

ARESTADO ng mga operatiba ng Warrant Subpoena Section ng MPD-Binondo Police Station11 ang isang 39-anyos na lalaki dahil sa kaso nitong dalawang bilang ng gahasa matapos masundan ng pulisya sa umano’y pinagtataguan nito sa Acacia Town Homes sa Barangay Toclong, Kawit, Cavite, Martes ng umaga.

Nakilala ang suspek na si alyas “Alfie”, may asawa, college graduate, walang trabaho at nakatira sa Block 17, Lot 10, Acacia Town Homes, Barangay Toclong.

Ayon sa report ng pulisya, bandang 6:35 ng umaga nang damputin ang suspek matapos magsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni PLT Meynard Umali Vargas, hepe ng WSS, sa ilalim ng pangangasiwa ng PLt.Col. Inocencio Richard A. Villanueva, commnder ng MPD Binondo Police station,

Isinilbi sa suspek ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Jose Lorenzo R. Dela Rosa, ng Manila Regional Trial Court, Branch 4.

Walang piyansang inirekomenda sa pansamantalang kalayaan ng suspek.