Abante

Panukalang ospital para sa mga senior citizen nakakuha ng unanimous approval sa Senado — Abante

Mar Rodriguez Feb 5, 2026
141 Views

IKINAGALAK ng Chairman ng House Committee Human Rights na si Manila Rep. Bienvenido “Benny” M. Abante, Jr. ang ibinigay na suporta ng Senado sa kaniyang panukalang batas kaugnay sa pagpapatayo ng ospital para sa mga senior citizen.

Sinabi ni Abante na nakakuha ng “unanimous approval” (23-0) mula sa Senado ang isinulonng nitong House Bill No. 1509 o ang Philippine Geriatric Center Act na naglalayong magkaroon ng speciality center na mangangalaga sa mga matatanda.

Ayon sa kongresista, inaprubahan ng Kamara de Representantes noong nakaraang taon sa ikatlo at huling pagbasa ang kaniyang panukala para maisakatuparan ang matagal na nitong inaasam na ospital na nakatutok lamang para sa mga senior citizens.

Ipinaliwanag ni Abante na bago pa man makatuntong ng Senado ang House Bill No. 1509. Binigyang diin na ng House leadership sa pangunguna ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III na prioridad ng Kongreso ang pagtatayo ng ospital para sa mga senior citizens.

“The House acted early because we recognized the urgency of this issue. Long before this measured reached the Senate floor. The House had already made clear that establishing a dedicated hospital for senior citizens is a priority,” sabi ni Abante.

Idinagdag pa ng beteranong mambabatas na ang pagkakapasa ng kaniyang panukala o ang “geriatric health measure” ay kabilang sa inaprubahang labing-dalawang priority bills ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC).

“The House took the lead in December because our seniors cannot afford further delay. This is not just about passing a bill, it is about delivering on a long overdue promise to our senior citizens. I have advocating for a hospital that truly understands the unique health needs of Lolos and Lolas,” wika pa ni Abante.