Kontratista tiklo sa boga sa Taal
Nov 16, 2026
PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
Calendar
Nation
Sotto itinangging may hakbang tanggalin sa draft mungkahi na kasuhan sina Chiz, Joel, Jinggoy
Peoples Taliba Editor
Feb 6, 2026
477
Views
“WALA naman. Wala naman ganun. Hindi mo naman puwedeng sabihin kay Sen. Lacson ‘yun.”
Ito ang naging sagot ni Senate President Vicente Sotto III sa tanong kung may ilang senador ang nais alisin sa draft report ng Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa flood control scandal ang rekomendasyon na sampahan ng criminal at administrative na kaso, pati na ng plunder, sina minority senators Francis Escudero, Joel Villanueva and Jinggoy Estrada.
Nauna rito, sinabi ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson, chair ng the investigating panel, na paninindigan niya umano ang mga rekomendasyon ng draft report. Idiniin nya na ipinapakita lang ng mga rekomendasyon kung ano ang ginagawa ng mga prosecutorial at inestigative na ahensya.

