CAAP

NAAP binigyan ng eroplano ng CAAP

Jun I Legaspi Feb 10, 2026
127 Views

NAG-donate ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng dalawang Helio aircraft sa National Aviation Academy of the Philippines (NAAP) bilang patunay ng suporta sa pagpapalakas ng edukasyong pang-aviation sa bansa.

Isinagawa ang donasyon sa pamamagitan ng signing ceremony na pinangunahan ni CAAP Director General Raul Del Rosario at NAAP Officer-in-Charge Dr. Maria Sisa Dela Cruz noong Lunes sa CAAP Central Office sa Pasay City.

Inaasahang makatutulong ang mga aircraft sa pagpapalakas ng mga training program ng NAAP na magbibigay sa mga estudyante ng mas malawak na pagkakataon para sa praktikal na pagkatuto ng karanasan na mahalaga sa kaligtasan sa operasyon ng aviation.

“Ito ay higit pa sa simpleng paglilipat ng kagamitan, isa itong estratehikong pamumuhunan para sa pambansang komunidad ng abyasyon,” ayon kay Dr. Dela Cruz.

Ang hakbang na ito ay nagpapakita ng papel ng CAAP sa paghubog ng mga susunod na propesyonal sa larangan ng abyasyon, alinsunod sa International Civil Aviation Organization’s (ICAO) Next Generation of Aviation Professionals (NGAP) initiative.

“Kailangan nating maglaan ng oras hindi lamang sa regulasyon, air traffic services, at operasyon ng paliparan, kundi pati na rin sa pagpapalakas ng pagsasanay ng mga estudyante,” ani Lt. Gen. Del Rosario.