Kontratista tiklo sa boga sa Taal
Nov 16, 2026
PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
Calendar
Nation
Sling bag na may P12K naiwan, naibalik sa owner
Jun I Legaspi
Feb 10, 2026
701
Views
IBINALIK ng isang empleyado ng Office forTransportation Security (OTS) ang naiwang pulang sling bag na naglalaman P12,000 sa pasaherong nakaiwan nito patungong Ozamiz sakay ng Cebu Pacific Flight Number 5J 783 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong Pebrero 3.
Nasa screening checkpoint ang OTS personnel nang mapansin ang sling bag na naiwan sa service tray.
Makalipas ang ilang minuto, isang pasahero ang lumapit sa checkpoint upang magtanong tungkol sa kanyang nawawalang sling bag.
Matapos ang tamang beripikasyon at pagkilala, naibalik sa kanya ang bag at hiniling na suriin ang mga laman bago umalis sa lugar.

