Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Water

Malinaw na pagresolba sa krisis ng water districts iginiit ni Hontiveros

129 Views

IGINIIT ni Senator Risa Hontiveros sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services noong Pebrero 24 na dapat maging malinaw ang plano ng pamahalaan sa pagresolba ng krisis sa ilang water districts na may joint venture agreements sa pribadong sektor, kabilang ang mga transaksiyong iniuugnay sa PrimeWater at Crystal Bridges.

Tinanong niya si LWUA Administrator Jose Moises Salonga hinggil sa kapangyarihan ng ahensiya sa ilalim ng Section 61-E ng Presidential Decree 198 na mag-takeover ng mga water district na may operational default gaya ng mataas na non-revenue water at mahinang serbisyo.

“Inutusan po ni Presidente kayo na gawa ng solusyon yung krisis na ito pero hanggang sa ngayon parang blind item pa rin po kung ano yung maaaring mga solusyon,” ani Hontiveros.

Ipinaliwanag ni Salonga na may ilang water district na hindi kumikilala sa takeover powers ng LWUA. “May ibang mga water districts na ayaw sumunod, iba as much as 50% non-revenue water na hindi pa rin nirerecognize ang LWUA and their powers to take over,” saad niya.

Gayunpaman, inamin niyang kulang ang tauhan ng ahensiya para sa malawakang direktang takeover. “Kukulangin kami sa tao to take over all of those Water Districts… baka kulang ang tao ng LWUA pati janitor namin nagte-takeover na dun,” dagdag niya.

Iminungkahi ni Hontiveros kung maaaring maglabas ang LWUA ng centralized framework agreement para maging maayos ang transition sa bagong operator. Ayon kay Salonga, ang mga transaksiyong lampas P3 bilyon ay dumadaan sa pagsusuri ng Philippine Competition Commission, habang pinag-aaralan ng LWUA ang paglalagay ng service level agreements sa pagitan ng water districts at subscribers.

“As early as now… I plan to have a contract between water districts and each subscriber para meron silang sariling service level agreement such that alam nila yung rights nila, alam ang obligations,” ani Salonga. May memorandum circular na rin aniya na nagbabawal maningil ng minimum charge kung walang tubig sa loob ng 15 araw.

Sa usapin ng pondo, sinabi ni Salonga na bukas ang LWUA sa pag-waive ng ilang karapatan bilang major lender upang makapasok ang LGUs at mga bangko gaya ng DBP sa rescue financing. “Yes ma’am, I’m willing to sign waivers off to Water Districts o yung mag-fifinance sa kanila,” aniya.

Kinumpirma naman ni PPP Center Director Lester A. Añonuevo na maaari silang magsilbing transition adviser at magsuri ng mga joint venture agreement kung ito ba ay void ab initio o ultra vires kung na-bypass ang NEDA-ICC approval.

“Yes, we can do so,” sagot ni Añonuevo. Gayunpaman, binanggit niyang 20 lamang ang monitoring officers ng PPP Center na humahawak sa 290 PPP projects.

Ipinaliwanag din niya na sa termination ng kontrata, ang batayan ng kabayaran ay depreciated replacement cost ng assets. “If the erring party would be the private sector… 75% of the depreciated replacement cost would be the just compensation for the private partner and the 25% would go in favor for the water district as liquidated damages,” ani Añonuevo.

Sa kabuuan, binigyang-diin ni Hontiveros ang pangangailangan ng malinaw na datos at imbentaryo mula sa water districts at pribadong concessionaires upang maging maayos ang audit at protektado ang interes ng mga konsyumer.