Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Ejercito

Anti-Political Dynasty Act itinutulak ni Ejercito

120 Views

BIGYAN natin nang pagkakataon ang iba.

Ito ang tinuran kung saan ay Isinusulong ni Senator Joseph Victor “JV” G. Ejercito ang Senate Bill No. 1901 o ang panukalang Anti-Political Dynasty Act, na naglalayong pigilan ang konsentrasyon ng kapangyarihan sa loob ng iisang pamilya sa parehong saklaw ng pamamahala.

Ayon sa senador, matagal nang dapat naisabatas ang probisyon ng 1987 Constitution na nag-uutos sa Kongreso na magpatupad ng batas laban sa political dynasties.

“Some say we should focus on ‘bigger’ problems like poverty, hunger, or the economy before tackling dynasties. But what many fail to see is that these problems are limbs of the same body. Our economic and social progress is being jeopardized by a system that has not benefited the Filipinos for a long time,” ani Ejercito.

Binanggit niya ang datos mula sa Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na 71 sa 82 lalawigan sa bansa ay hawak ng mga miyembro ng political families.

Mas lumalala pa umano ang sitwasyon sa pagdami ng tinatawag ng mga eksperto na “obese” dynasties. Ayon kay Ejercito, may hindi bababa sa 18 lalawigan kung saan limang o higit pang magkakamag-anak ang sabay-sabay na kumakandidato o nanunungkulan sa iba’t ibang elective positions.

Sinabi rin ng senador na may mga provincial government na pinatatakbo na parang negosyo ng pamilya kung saan nakokontrol ang halos lahat ng posisyon. Dagdag pa niya, higit kalahati ng mga district representative na muling kumakandidato ay kabilang sa political dynasties.

Maging ang party-list system, na layuning palawakin ang representasyon, ay iniuugnay rin sa dynastic interests, kung saan 78 sa 156 party-list organizations ay may kaugnayan sa political families.

“The share of provincial governors, House members, and mayors from political dynasties rose from 57 percent, 48 percent, and 40 percent in 2004 to 80 percent, 67 percent, and 53 percent in 2025, reflecting the growing concentration of political power within a few families,” ani Ejercito.

Binigyang-diin ng senador na malinaw at absolutong depinisyon ng political dynasty ang inilalatag ng panukala at walang sinumang exempted.

“It ensures that there are no sacred cows. No one, including this august chamber, is exempt from the rule,” dagdag niya.

Nauna nang naihain sa mga nakaraang Kongreso ang kahalintulad na panukala ngunit hindi pa rin ito naisasabatas.