Calendar
Buy bust sa Bulacan 4 tiklo
MALOLOS CITY, Bulacan–Isang dating jail officer at tatlo pang suspek na tulak ang inaresto sa buy-bust na nagresulta sa pagkakasamsam ng P340,000 na halaga ng shabu at ilang baril noong Marso 1 sa Doña Remedios Trinidad (DRT), ayon sa pulisya.
Natiklo ang sina Addie, 43, dating jail officer sa Bulacan Provincial Jail; Julie, 39; Avel, 58; at Layar, 49, sa anti-illegal drug operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng DRT police sa Sitio Kalayakan, Brgy. Kalawakan, DRT.
Nakumpiska sa operasyon ang 50 gramo ng hinihinalang shabu na may presyong P340,000, isang P1,000 marked money, isang glass pouch, isang improvised shotgun na may dalawang bala, isang .45 pistol, isang cal .38 revolver na may dalawang bala, isang Mitsubishi Strada at isang motorsiklo.
Dinala ang mga suspek sa DRT Municipal Police Station at sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

