Suspek1 Source: General Trias Component City Police Station

Isa sa higit 15 Cavite hazing suspek sumuko

Dennis Abrina Mar 4, 2026
220 Views

GENERAL TRIAS CITY, CAVITE — Sa gitna ng pagdadalamhati ng pamilya ng 19-anyos na umano’y biktima ng hazing na si Kenneth Alcedo, sumuko kay General Trias City Mayor Luis Ferrer IV ang itinuturong suspek, na sinasabing isa sa tatlong lalaki na nakunan ng CCTV na dinadala ang bangkay sa GenTri Medical Center & Hospital sa Barangay Manggahan.

Ang insidente ay naganap umano sa isang open ground sa Dasmarinas City, sa kamay ng isang school-based fraternity.

Ayon sa inisyal na pahayag, inamin ng suspek na isa siya sa mga umatake at siya ang nagboluntaryong dalhin ang biktima sa ospital sakay ng kulay abong Mitsubishi Mirage.

Ayon pa sa sumukong suspek, sa takot sa kanyang kaligtasan, nagpasya siyang tumawag sa General Trias Police para sumuko kaagad.

π™π™šπ™₯π™ͺπ™—π™‘π™žπ™˜ π˜Όπ™˜π™© 𝙣𝙀. 11053 o π˜Όπ™£π™©π™ž-π™ƒπ™–π™―π™žπ™£π™œ 𝙇𝙖𝙬 ang isasampa laban sa suspek at higit sa 15 iba pa na sangkot sa insidente ng hazing.

“Nagpapatuloy ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito at sisiguraduhin nating mananagot ang mga responsable para mabigyan ng hustisya ang walang saysay at hindi makatarungang sinapit ni Kenneth,” ani Mayor Ferrer.