Oducado

Party list rep humiling ng imbestigasyon sa posibleng oil price hike

Mar Rodriguez Mar 5, 2026
140 Views

INIHAIN ni 1-TAHANAN Party List Rep. Nathaniel Oducado ang isang resolution para hilingin sa Kamara de Representantes ang pagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa naka-ambang pagtaas sa presyo ng langis.

Pagbibigay diin ni Oducado na posibleng magkaroon ng “domino effect” sa Pilipinas ang lumalalang sigalot sa Middle East.

“We must act early to protect Filipino consumers from sudden oil price shocks that hurt families and small businesses,” sabi nito.

Binanggit sa House Resolution No. 825 na isinulong ni Oducado na ang Pilipinas ang umaangkat ng halos lahat ng krudong langis nito at ang bansa din ang labis na naaapektuhan sa paggalaw ng pandaigdigang presyo ng langis at exchange rate inflation.

“When global oil prices rise, transportations fares, electricity rates and food prices also go up and ordinary Filipinos suffer the most. Magkakaroon ito ng domino effect,” dagdag pa ni Oducado.

Tinukoy din ni Oducado ang tumitinding tensiyong geopolitical sa Gitnang Silangan kabilang dito ang military actions na kinasasangkutan ng Estados Unidos, Israel at Iran na nagdudulot ng pangamba sa posibleng pagkagambala sa Straight of Hormuz na dinaraanan ng humigit kumulang sa 20% ng pandaigdigang supply ng langis na dinadala sa dagat.

Iginigiit ng mambabatas na hindi umano maaaring balewalain ang mga pandaigdigang pangyayari sapagkat ang direkta at pangunahing maaapektuhan nito ay ang mga Pilipino.

“We cannot ignore these global developments because they directly affect the cost of living in our country.

We must learn from the past mistakes and design smarter solutions that truly benefit the public. The resolution directs the House to evaluate modern financial risk management tools such as oil hedging,” ayon kay Oducado.