Tulfo2 Siniguro ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac kay Sen. Raffy Tulfo, chairman ng Senate Committee on Migrant Workers, ang kahandaan ng DMW sa pag-alalay at pagtiyak ng kaligtasan ng OFWs sa Middle Easta sa hearing na ginanap sa Senado nitong Huwebes, Marso 5, 2026. JOSEPH MUEGO

Sen. Raffy humiling ng contingency measures para sa 2.4M OFWs sa ME

162 Views

PINANGUNAHAN ni Sen. Raffy Tulfo ang pampublikong pagdinig ng Senate Committee on Migrant Workers nitong Huwebes, Marso 5, 2026, at itinulak ang contingency measures para sa tinatayang 2.44 milyong overseas Filipino workers (OFWs) sa Middle East na maaaring humarap sa displacement at posibleng repatriation dahil sa nagpapatuloy na air strikes at pambobomba sa rehiyon.

“We cannot ignore the situation of our OFWs in the Middle East because millions of them are now fearing displacement, job loss, and the possibility of being forced to return home due to the escalating conflict,” sinabi niya.

Kasunod ng panawagan ni Tulfo, iniulat ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac na nakatulong na ang contingency protocols ng ahensiya sa mahigit 2,000 OFWs.

“We provide pre-departure and transit assistance, including registration, accommodation, food, water, basic necessities, medical, psychosocial, and financial assistance,” sinabi niya.

Binigyang-diin din ni Tulfo ang pangangailangang maipasa ang panukalang National Reintegration Bill o ang “Bagong Balikbayan Act.” Layunin ng panukala na palakasin ang reintegration programs at magtatag ng komprehensibong support system na nakasandig sa “Kaalaman, Kabuhayan at Kalinga” upang matulungan ang mga nagbabalik na OFW na muling maitayo ang
kanilang buhay at magkaroon ng pangmatagalang katatagang pangkabuhayan kasama ang kanilang pamilya.

“We must ensure the smooth, sustainable, and productive transition of our OFWs back to their homeland because working overseas should only be a temporary state,” sinabi ni Tulfo.

Tinalakay rin ng komite ang panukalang paglikha ng Migrant Workers Relations Commission (MWRC), na inihain ni Tulfo matapos niyang makaharap ang mga OFW nurse na humingi ng kanyang tulong dahil sa matagal na pagresolba ng kanilang labor claims matapos makabalik sa Pilipinas.

Itinulak din ni Tulfo ang pagtaas ng budget ng DMW at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang mas mapalakas ang kanilang pagtugon sa mga krisis gaya ng kamakailang air strikes sa Middle East.