Marijuana

P16.6M marijuana sinunog sa Sugpon

Christian Supnad Mar 8, 2026
149 Views

CAMP PRES. QUIRINO, Ilocos Sur–Sinunog na mga pulis sa lalawigang ito noong Sabado ang P16.6 milyon na halaga ng fully grown marijuana plants sa Brgy. Licungan, Sugpon.

Sinunog ang mga marijuana sa pamumuno ni Lt. Marvin Laroya at Lt. Col. David Dulnuan, deputy police director ng lalawigan.

Nakatanim ang 18 marijuana sites sa 14,500-square meter na lupa, ayon sa report.

May kabuuang 63,300 fully grown marijuana plants ang nadiskubre na may value na P12,660,000, sabi ni P/Col. Agosto Asuncion, hepe ng pulis ng Ilocos Sur.

Maliban dito, may nakuha din na 27.7 kilograms ng dried marijuana stalks na may estimated value na P3,462,000 at isang kilong dried marijuana fruiting tops na may estimated value na P120,000 sa kabundukan.