Calendar
Dagdag pasahe tigil muna ayon sa order
AGAD naglabas ng suspension order sa pansamantalang pagpapatigil ng fare hikes sa lahat ng public utility Vehicles (Provincial Bus, Metro bus, airport taxi, tnvs, traditional jeep at modern jeep).
Ayon sa dokumento na pinirmahan ng Board ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ito ay tugon sa isinampang reklamo mosyon ng grupong Kilos Konsyumer-Komuter Association sa pangunguna ni Isagani D. Bogabel bilang representative na pumipigil sa pansamantalang pagpapatupad ng taas ng pamasahe.
Nauna rito inanunsuyo ni President Ferdinand E. Marcos jr., ang pansamantalang pagsuspinde ng taas ng pamasahe dahil hindi panahon para itaas ito dahil sa mga kaganapang nangyayari sa gitnang silangan.
Ayon sa LTFRB ang kautusan ay agad na ipatutupad at walang mangyayaring pagbabago hanggang maglabas ng panibagong kautusan ang LTFRB kaugnay sa isyu ng pamasahe.

