Senadora Pia Cayetano

PH may bagong gas well; Sen. Pia natuwa

87 Views

NATUWA ni Sen. Pia Cayetano sa pagbarena sa Camago-3 gas well na makakatulong sa energy security sa gitna ng pandaigdigang pangamba sa suplay ng fuel.

Ayon kay Cayetano, nagbibigay ito ng pag-asa habang patuloy na binabantaan ng sigalot ang pandaigdigang suplay ng fuel at itinutulak pataas ang gastos sa enerhiya.

Sinabi ng senador, chairperson ng Senate Committee on Energy, na ang Camago-3 development ay bunga ng policy framework na inilatag ng Philippine Natural Gas Industry Development Act.

Inaatasan ng batas ang komprehensibong downstream natural gas planning, hinihikayat ang pamumuhunan, at inuuna ang paggamit ng likas na gas ng bansa upang mabawasan ang pagdepende sa inaangkat na produktong petrolyo.

“This is exactly what the NatGas Law was designed to make possible,” sabi ni Cayetano.

Idinagdag niya na mas abot-kaya ang locally sourced gas at na ang matatag na domestic supply ay makatutulong upang maging mas maaasahan at posibleng mas mura ang kuryente para sa mga tahanan at negosyo.

Sinabi rin ni Cayetano na hindi dapat ituring ang energy security na tugon lamang sa krisis kundi bunga ng planado at pangmatagalang pag-iisip.

Magkaugnay ang pagpapalakas ng sariling pinagkukunan ng enerhiya at ang mga layunin ng bansa sa affordable and clean energy, climate action at inclusive development.