Calendar
Source: Raffy Tulfo in Action
Sen. Raffy nabahala sa pagbagsak ng kisame sa NAIA
“PANINIGURO sa kaligtasan ng mga pasahero ang dapat maging prioridad.”
Ito ang pahayag ni Sen. Raffy Tulo kasama ang pagkabahala sa pagbagsak ng kisame sa arrival extension area ng NAIA Terminal 1 kung saan pito ang nagtamo ng injuries.
Pinaalalahanan niya ang mga kinauukulang ahensiya na maging proactive sa pagpapatupad ng safety standards sa mga paliparan.
Nakipag-ugnayan si Tulfo kay Department of Transportation Secretary Giovanni Lopez upang kumustahin ang kalagayan ng mga biktima at alamin kung nabigyan ng tamang assistance.
Ayon kay Lopez, narespondehan ng Emergency Response Team ng New NAIA Infrastructure Corp. ang pitong biktima at nadala sa ospital.
Sinabi rin ni Lopez na sinagot ng NNIC ang lahat ng medical expenses ng mga biktima, bagaman hinihintay pa ng Department of Transportation ang kumpletong report hinggil sa kanilang kalagayan.
Isa sa pitong biktima ang nagtamo ng forehead injuries at nagpalipat sa Makati Medical Center, habang ang iba naman ay nasa mabuti ng kalagayan.
Pinaalalahanan ni Sen. Tulfo ang Department of Transportation at Civil Aviation Authority of the Philippines na maging proactive pa rin at tiyaking sumusunod sa mga safety standards ang mga imprastruktura at pasilidad sa lahat ng paliparan.

