Sen. Ping: Pag-aralan natin joint oil, gas exploration sa China

92 Views

SINABI ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na dapat pag-aralan ng administrasyong Marcos ang posibilidad ng joint oil at gas exploration sa China dahil sa panganib sa pandaigdigang suplay ng langis.

Iginiit ni Lacson na ang anumang ganitong kasunduan ay dapat sumunod sa 60-40 provision sa pagmamay-ari ng dayuhan na nakasaad sa Saligang Batas.

Ayon kay Lacson, ipinapakita ng mga impormasyon na mayaman ang West Philippine Sea sa natural gas at langis na makatutulong sa pagtugon sa pangangailangan sa enerhiya ng bansa.

Sa kabila nito, kulang ang Pilipinas sa teknikal at pinansyal na kakayahan upang magsagawa ng eksplorasyon na mag-isa. Sa kabilang banda, taglay ng China ang teknolohiya at kagamitang kinakailangan para sa ganitong operasyon.

“Ang mahalaga lang sa atin in paper sa agreement. Sa MOA or whatever na pipirmahan, maliwanag emphasized doon 60-40.

Pag pumayag ang China, panalo na tayo dahil ibig sabihin nire-recognize nila ang sovereignty ng Pilipinas sa West Philippine Sea o kung saan man ang area na ma-explore,” aniya.