Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Chinese Ang limang Chinese national na naaresto ng NBI matapos masampahan ng kaso ng kanilang biktimang kapwa Tsino. JONJON C. REYES

Tsino kinulong sa bahay sa P’que, nasagip mula 5 kapwa Tsino

Jon-jon Reyes Apr 8, 2026
279 Views

Pasay City – Inaresto nitong Martes ng mga ahente ng NBI-National Capital Region (NBI-NCR) ang limang Chinese national dahil sa umano’y illegal detention ng kapwa Tsino opaglabag sa Article 267 ng Revised Penal Code.

Kinulong umano ang biktima sa isang residential house sa Parañaque City simula noong Marso 29, 2026.

Bukod dito, napilitan umano ang biktima na lumahok sa isang online love scam activity ng isang indibidwal na kilala bilang “Boss Aping.” Siya ay iniulat na binugbog at binantaang papatayin ng mga suspek kapag nagtangka itong tumakas.

Dahil dito nagsagawa ng isang surveillance at validation operation ang mga ahente ng NBI-NCR, na nagkumpirma ang impormasyong natanggap.

Isang rescue operation ang isinagawa at nasagip ang biktima.

Ang operasyon ay nagresulta din sa pagkakaaresto sa mga suspek, na positibong kinilala ng biktima bilang mga dumukot at nagpapahirap sa kanya. Iniharap ang mga naarestong indibidwal para sa inquest proceedings sa Paranaque City Prosecutors’ Office para sa mga nabanggit na paglabag.

Pinuri ni NBI Director Atty. Melvin A. Matibag ang mga dedikadong ahente ng NBI National Capital Region sa matagumpay na operasyon.

Sa kanyang mga pahayag, muling iginiit ni Matibag ang matatag na pangako ng ahensya sa mandato nito na manatiling mapagbantay at tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng lahat ng komunidad.

Tiniyak ni Director Matibag sa publiko na patuloy na pag-iibayuhin ng NBI ang mga operasyon nito para epektibong labanan ang krimen at mapanatili ang tiwala ng publiko.