Patrol car ng QCPD tumama sa wire barrier, nahulog sa sapa

103 Views

BAHAGYANG nasugatan ang isang miyembro ng Quezon City Police District matapos mahulog sa creek ang sinasakyang patrol vehicle nitong Miyerkules.

Batay sa inisyal na ulat, ang sasakyan ay nagmula sa 5th St., at kumanan patungo sa Gilmore Avenue ngunit tumama sa wire barrier, at nahulog sa sapa sa kahabaan ng Gilmore Avenue corner 5th Street sa New Manila, Quezon City.

Nagtamo ng matinding pinsala ang patrol car habang ang sakay na pulis ay nagtamo ng minor injuries na agad ipinagamot sa kalapit nao spital.

Pinagtulungan naman ng rescue team mula sa QCPD at Metro Manila Development Authority (MMDA) na maiahon sa sapa ang nahulog na patrol car.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.