Residente binato miyembro ng QCPD clearing ops sa NIA Road, 5 parak sugatan

282 Views

NAGTAMO ng minor injuries ang 21 miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) sa isinagawang clearing operation sa mga nasunugang kabahayan sa NIA Road sa Barangay Pinyahan, Quezon City nitong Huwebes ng umaga.

Sa ulat, pinagbabato ng mga bato at bote ng mga residente ang demolition team na armado ng bareta at maso habang ginigiba ng backhoe ang mga natirang istraktura ng mga nasunog na bahay sa lugar.

Ayon kay P/Lt. Col. Zachary Cappellan, hepe ng Kamuning Police Station 10 ng Quezon City Police District (QCPD), may lima ring mga residente ang arestado na sangkot sa pambabato.

Nilinaw naman ni Atty. Jay Conejero, chief ng Local Housing Deparment, hindi matatawag na demolition ang nangyayari kundi isang clearing operation.

Aniya, hindi na umano maari pang balikan o muling tirhan ang mga nasunog na mga kabahayan kung kayat ginigiba na ang mga ito.

Nabatid na nakatakdang tayuan umano ang lugar ng pitong vertical housing units na may pitong palapag.

Nabigyan na rin umano ng cash assistance ang mga registered owners at mga sharers at nagrerenta sa lugar.