Diesel Source: Sharon Garin FB

52M litro ng buffer stock na diesel nasa Pinas na

267 Views

KINUMPIRMA ni Energy Secretary nad umating na sa bansa ang 329,000 bariles o 52,311,000 litro ng diesel na binili ng pamahalaan sa pamamagitan ng PNOC Exploration Corporation (PNOC EC) mula sa Malaysia upang palakasin ang pambansang suplay ng langis.

Ayon kay Garin, ang pagdating ng nasabing kargamento ay bahagi ng estratehiya ng administrasyon na mag-imbak ng reserbang petrolyo habang nagpapatuloy ang tensiyon at kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Ang kabuuang kargamento na may katumbas na 52,311,000 litro ay magsisilbing buffer stock upang matiyak ang seguridad ng enerhiya sa bansa at maibsan ang posibleng epekto ng global supply disruptions sa lokal na ekonomiya.