Pic3

LTO nag-isyu ng SCO sa driver na nagpunit nig ticket

42 Views

ANG Land Transportation Office (LTO) ay naglabas ng Show Cause Order (SCO) kaugnay ng isang insidente kung saan kumalat sa social media ang isang video na nagpapakita ng isang drayber ng taksi na sinadyang punitin ang traffic citation ticket sa mismong harap ng enforcer.

Dahil dito, inatasan ang may-ari ng taksi at ang drayber nito na humarap sa tanggapan ng Intelligence and Investigation Division (IID) upang ipaliwanag kung bakit hindi dapat suspindihin o bawiin ang lisensya ng drayber dahil sa paglabag bilang isang “Improper Person to Operate a Motor Vehicle.”

Ayon sa SCO, ang lisensya ng nasabing drayber ay isusuko at ipinatutupad ang 90 araw na preventive suspension. Ang sasakyan ng may-ari ay inilagay rin sa alarm status habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Mahigpit na paalala ng LTO na mahalaga ang paggalang sa batas at sa mga awtoridad. Anumang hindi angkop na asal ay hindi pinapayagan para sa mga lisensyadong drayber.