Trillanes2

Ex-Sen. Trillanes dadalo sa pagdinig ng House justice com

Mar Rodriguez Apr 21, 2026
34 Views

DADALO sa pagdinig ng House Committee on Justice si dating senador Antonio “Sonny” Trillanes IV sa Abril 22 para isumite sa Justice committee ang mga dokumentong may kaugnayan sa alegasyon ng “unexplained wealth” laban kay Vice President Sara Duterte.

Ang “subpoena ad testificandum et duces tecum” na inisyu ng House Justice Committee ay nag-aatas kay Trillanes na dumalo sa pagdinig ng Komite kasunod ang pagdadala ng mga dokumento.

Sa ilalim ng kautusan, kailangang magpakita si Trillanes ng mga orihinal o certified true copy ng mga dokumentong may kaugnayan sa mga alegasyon sa reklamong impeachment tungkol sa unexplained wealth na hindi idineklara ni Duterte sa kaniyang Statement of Assets. Liabilities and Net Worth (SALN).

Nakasaad din sa subpoena ang layunin ng testimonya ni Trillanes kung saan inaatasan siyang magtestigo na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at VP Sara ay nagpanatili ng maraming bank account na daan-daang milyon at bilyong piso ang nailipat sa Loob ng maraming taon.

Ang direktiba ay inisyu kaugnay ng mga naberipikang impeachment complaint na isinampa laban kay Duterte at inendorso naman ng ilang mambabatas.

Si Trillanes ay maaaring samahan ng isang legal counsel habang isinasagawa ang proseso.