Batangas

Lalaki kulong sa 3 kaso ng gahasa, 3 kaso ng asalto

31 Views

Batangas1

KAMPO HENERAL MALVAR, Batangas City–Nalambat noong Miyerkules ng mga tauhan ng Batangas City police lalaking suspek sa mga kasong rape sa Brgy. 9, ng lungsod na ito.

Ang akusado, si alyas Mervic, 23, residente ng Brgy. Sampaga, Batangas City, ayon kay Batangas police director P/Col. Meliton Salvadora Jr.

Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest para sa tatlong kaso ng statutory rape at tatlong bilang ng sexual assault na inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 1, Family Court ng Batangas City.

Nakakulong pansamantala sa piitang lungsod ang suspek habang inihahanda ang mga dokumento para sa tamang disposisyon.