Shabu Kinilala ni PLt.Col. Arwen De Silva Nacional, chief ng Provincial Intelligence Unit, ang natimbog na suspek. JONJON C. REYES

Binata nabitag sa drug buy-bust sa Bohol

Jon-jon Reyes Apr 30, 2026
45 Views

SWAK sa selda ang isang 26-anyos na binata sa inilataag na buy-bust operation ng mga operatiba ng Bohol, Huwebes ng hapon.

Kinilala ang suspek na si alyas Dadang, at residente ng Brgy. Bayacabac, Maribojoc, Bohol

Ayon sa report ni PLt. Col. Arwen De Silva Nacional, ng Chief Provincial Intelligence Unit, bandang 2:30 ng hapon ng magsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng Provincial Drugs Enforcement Unit- Bohol Provincial Police Office matapos makatanggap ng impormasyon kaugnay sa illegal drug activities sa lugar.

Ikinasa ng mga operatiba ang buy bust operation sa pangunguna ni Plt. Noubell L Padernal, sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PLT.Col. Nacional kasama ang PDEA.

Narekober ang humigit-kumulang na limang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalga sa P34,000, cellular phone, buybust money, coin purse at isang Honda na motorsiklo (G841SO).

Dahil dito pinuri at pinasalamatan ni Regional Director PBGen. Arnold Abad ng PRO7 ang mga operatiba sa naging mapayapang operation sa pamumuno ni Provincial Director, Bohol, PCOL Patricio Degay, Jr.