Hulog

Babae nahulog sa tricycle, naipit binti sa truck

Jon-jon Reyes May 3, 2026
23 Views

Hulog1

Hulog2
Ang mga larawan kung saan nahulog ang biktima mula sa tricycle, at nasagasaan at naipit ang binti sa Delpan Street, Tondo, Manila.

NALAGAY sa kritikal ang 24-anyos na babae matapos mahulog sa sinasakyang tricycle at maipit at magulungan ng trailer truck noong Sabado sa Delpan at C.M. Recto Streets, Barangay 18, Tondo, Manila.

Kinilala ang biktima na si alyas “Honey Rose.”

Ayon kay Police Capt. Joel Aquino, chief ng Vehicular Investigation Section ng Manila Police District-Traffic Enforcement Unit, bandang alas-10:28 ng gabi nangyari ang insidente habang pauwi na ang biktima galing sa trabaho.

Nahulog umano ang biktima mula sa tricycle at napunta sa harap ng paparating na truck kung saan siya nagulungan at naipit ang kaliwang binti.

Batay sa kuha CCTV, may dumaang motorsiklo na nagdulot ng pagka-ilang ng driver at paggewang ng tricycle hanggang sa pumagitna ito sa kalye sa daloy ng mga sasakyan na humantong sa pagkahulog ng biktima.

Ayon sa kaanak ng biktima, kinakailangang putulan ng binti ang dalaga dahil sa tindi ng pinsala sa mga tissue at buto nito.

Ang biktima ay nasa stable na kondisyon na, ayon sa mga doktor.

Ang driver ng trailer truck ay nasa kustodiya na ng Manila District Traffic Enforcement Unit.