Isko

Pakikipagkalakalan ng produktong agri sa Ilocos Norte binuksan ng Maynila

Edd Reyes May 4, 2026
24 Views

BINUKSAN nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Chi Atienza ang pakikipag-kalakalan ng produktong agrikultura sa Ilocos Norte na layong direktang dalhin ang kanilang mga ani sa mga hotel restaurant, at cafes na hindi na dadaan sa tradisyunal na supply chains.

Ginawa ang pagtatanghal sa regular na pagpupugay sa watawat Lunes ng umaga kung saan malugod na tinanggap nina Mayor Isko Moreno at VM Atienza ang delegasyong pinangunahan ni Ilocos Norte Vice Governor Matthew Marcos Manotoc, pati na ang mga kinatawan ng Diamond Hotel, Bayview Park Hotel, Aviary Café, at Grand Café 1919.

Sinabi ng alkalde na malaking benepisyo ito sa Maynila dahil bukod sa sariwang mga ani, higit na mas mura ang presyo nito kumpara sa mga produkong agrikultura na dumadaan pa sa mga mangangalakal.

“They thought that we’re doing them a favor. No, it’s the other way around. They are doing us a favor by bringing their goods, agricultural products, and all other products from the provinces being showcased, and Manila has access to high-quality fresh produce from their respective locality and quality goods with a good price,” pahayag ng alkalde.

Kapareha rin aniya ito ng pagtanggap nila sa delegasyon ng Nueva Ecija noong mga nakaraang linggo at may mga iba pang lalawigan ang nakalinya nilang tanggapin sa mga susunod na linggo.

Sa panig ni Gov. Manotoc, naisaayos aniya ang kalakalan nang bumisita siya noong Oktubre ng nagdaang taon sa City Hall at tniyak niyang mataas ang kalidad na ani na kanilang iluluwas sa lungsod.

“Sa amin po, walang shortcut. We farm the right way, the old school way. We can guarantee the quality, and if not, ako na po bahala, ako na po ang mag-e-exchange or magre-reimburse kung may reklamo po,” pagtiyak ni Manotoc.