Speaker Dy

Pagsasabatas ng Anti-political dynasty bill hiniling ni Speaker Dy

Mar Rodriguez May 5, 2026
33 Views

HINIHILING ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III sa mga kongresista na i-prioritize sa nalalabing session ng Kongreso ang pagsasa-batas ng Anti-Political Dynasty Bill bago ang adjournment.

Binigyang diin ng House Speaker na napakahalagang maipasa ng Kamara de Representantes sa nalalabing araw ng session ang Anti-Political Dynasty Bill na isang paraan para maibalik ang tiwala ng publiko sa pamahalaan.

Sinabi ni Speaker Dy na kung talagang seryoso ang mga mambabatas na maibalik at mapalakas ang tiwala ng mamamayan, kailangan nilang maipasa ang nasabing panukala.

Inilatag din ni Dy ang legislative priorities ng Kamara de Representantes sa mga nalalabing linggo ng First Regular session ng 20th Congress kung saan inulit niya ang panawagan sa mga kongresista sa pagganap ng kanilang trabaho.

“Our committees continued to function with focus and discipline, ensuring that governance remains steady, responsive and accountable to standards.

Ngayong linggo, kailangang maging masigasig tayo sa ating trabaho,” sabi pa ng House Speaker.

Umaapela din si Speaker Dy sa mga miyembro ng Kamara de Representantes na kinakailangan nilang tutukan para sa agarang pagsasabatas ng Anti-Political Dynasty Bill kasama na dito ang Kalinga Bill na tutugon sa problemang kinakaharap ng bansa.